New year celebration in my hometown- Balungao, Pangasinan |
Kinalimutan ko na ito ng nadiskubre kong parang joke lang ni Juan ang mga ito. Ngayon may-iian akong naalala na ginagawa ko tuwing bgong taon. At ayun gumawa ako ng isang listahan a aking pagkakaintindi sa mga ito.
Mga pamahiin sa bagong taon:
1. Maghanda ng tig-iisang dosenang bilog na prutas sa lamesa
'swerte pasok pera' yan nga ang sabi ng mga insik, nakuha ito ng Pinoy sa mga Tsino. Sabi daw nila na ang biog na prutas ay nagsisimbulo ng pera, maraming pera. At ang isang dosenang bilang nito ay nagsisimbulo sa dalawampungdalwa na buwan ng taon. Ang ibig sabihin, maraming pera sa buong taon, swerte :D
2. Magsuot ng polka-dots sa bisperas at araw ng pasko
tungkol nanaman ito sa pera at malamang alam na alam ito ng karamihan sa atin. Mabenta ang polka-dot na daster sa Divioria at sa Baclaran.
3. Huwag mag-hain ng manok
Sabi ng tatay ko sumisimbulo ito ng 'isang kahig, isang tuka' sa buhay next year. Basta masarap ang fried chicken.
4. Magsabog ng barya sa loob ng bahay sa bisperas ng pasko.
Alam na na this!
5. Alugin ang bulsa na puno ng barya pagdating ng bagong taon.
6. Huwag itaob ang isda (kung mayroong handang isda) pagnakain na ung (lenght wise) kalahati, malas yun.
Para daw hindi tayo tataob (lulugmok sa kahirapan, either may mamamatay or may mangyayari sa inyo na masama).
7. Gumising ng maaga sa uno at tumalon para tumangkad.
Naalala ko tuloy ung friends ko sa facebook na umaasa sa pamahiin na ito, paano ba naman legal age na siya at kasing laki pa rin siya ng first year high school. Ung iba, tumatalon sa bisperas ng bagong taon, sa panahon ng putukan, kalampagan, putulan ng kamay at daliri at barilan sa labas.
8. Magpaputok para umalis ang bad spirit (pero ung iba nagpapaputok para may maalis sa kanila)
Naalala ko tuloy yug sabi ni Brad Pitt sa Ang Dating Doon. Ung nagpapaputok sa labas para umalis ang bad spirit, asaan ba sila pupunta edi sa tahimik--sa loob ng bahay. Kaya daw ang dapat gawin sa loob ng bahay magpaputok para umalis ang bad spirit.
Ung mga napuputulan ng kamay dahil sa nagpapaputok, normal lang yang at katangahan na din.
9. Bumili ng pampaswerte para hindi malasin.
Alam na siguro ninyo ito lahat, palaging tinatanung iyan at ibinabalit sa TV.
At higit sa lahat-
10. Bawal salubungin ang bagong taon ng tulog
Mamalasin ka buong taon o kaya'y magkakasakit ka.
Hindi masamang maniwala sa mga ganitong bagay pero huwag iasa sa mga pamahiin kung anong mangyayari sayo sa susunod na taon. Maligayang Bagong Taon!
10:54 PM | 0
comments