Hi quest ,  welcome  |  sign in  |  registered now  |  need help ?

About

This is the official and the final personal blog site of Jay San Juan. Take it or leave it, post it or tag it, selfie or group pic, murder or suicide. Anything you wanted to know, if you wanted to know is here. To cut the shit, this site provides some bits of logical life teachings that sometimes ignores by our own senses, this is a compilation of Jay San Juan self taught teachings. Contact us for any suggestion of topics if there is any problem concerning about your reading experience here on this plain white site.
Let me write the words I tell, for I to show it and sell. I don't want to make it fell on the ground as well. So I put it in papers for real, to inspire and to feel other people who lives around the wheel. For I exist not for myself but for the people who needs in help but I'm just a man in kelp so I put it in the words instead
Showing posts with label For Pinoy. Show all posts
Showing posts with label For Pinoy. Show all posts

National Sentiment

Written By Juan Dimasalang on Wednesday, July 22, 2015 | 11:44 PM

The future of the nation lies in everything that lies within its boundaries
For a long time I stucked myself into the nothingness of the civilization in which I find myself during my realization about how the society turned against those who lives below its standard. In the silence of the solitude that my social sacrifice brought to me was simply amazing into the taste of my mind, as i plunge my ideas and my mind into a couple of textbook that i found at our old house and read those books that i forgot to read solely in my own satisfaction. The book, specifically the national bestseller Rizal's True Love by his granddaughter Gemma Cruz Araneta. I was attached into the nationalism in the article (In the book, as it is the compilation of her article published weekly in a national newspaper) and question myself if I'm worthy enough to be called as indeed a Filipino. But in my question, my mind suddenly remembers the society that i leave for a while to turn myself into an isolation of realization during the two months vacation period as a college student. My observation in my fellow generation suddenly came out of the depths of question, thus in the question I quickly answer the question for my fellow Filipino rather than answering if I'm indeed a Filipino through what Rizal has told us through his novels and his ideas.
It was a total disappointment as i realize that my fellow Filipino in my generation tend to be amazed in what other culture has to offer rather than looking down into the culture that is in the industry that we Filipino, being defined as a Filipino. Most of them "Koreanized" themselves or if not "Japanized" their thoughts and some of them almost disgracing the industry we have specifically the telenovelas in which they find themselves amused in watching shows with subtitles as the show primary language is Korean or Japanese (some are Taiwanese and i guess Filipino doesn't need any subtitles for English Movies). These generation finds themselves in listening in music that bares no understanding as they spoke a strange language that isn't included in the Philippine compulsary education subjects (except of course those linguist course).
We are exterminating the every reason and proof of being a Filipino or if not, places all this proofs down into the place where we could've place other foreign culture. We tend to forget what is written in our bloods and if possible have our own kind erected into a more worthy and proudable ideas. On such, we are slowly forgetting what our forefathers die for and that is to be independent and definable nation that our country, Philippines would be in the point of a United Nation even at the circumstances of its geographical divisions.
It isn't this divisions that divides our nation, it is our beliefs that there is right and wrong and there are superior and inferior culture. We are all Filipino, and such phrase seems not to turn into a greater favor but in times in which Pacman won another fight or the National Team were victorious against other foreign teams. Some of us were forced to called themselves as a Filipino because they are born in this poor country.
There are few of these nationalist whom we tend to hate or forget in the midst of the Globalisation. I'm not against the globalization, but to unite the world, we must first come into a firm standing and believe that we are what we are and exterminate those things that isn't important, and i'm talking the way how human must live out of the savagery that has been brought by our animal genes. The things is that we are exterminating things without even us knowing ourselves thus in the long run exterminate all important things without us knowing it.
If we fail to even concentrate in knowing ourselves then there is no possible chance that these country would ever prosper. We keep on plunging ourselves in the depths of other culture as of like what we did to our basic education in which we base such thoughts because 'Other' nation has 12 years basic education and it is just us who has 10 years. Even our government in which solely base on the American, we are not american, we are Filipino, and even how great the democratic system was in other nation if such thoughts seems to disagree to the very culture of our nation then we just end up in trying instead of doing things for progress.
In terms, it seems like the education in this country is not doing its job well specifically how we know ourselves and how we need to know ourselves. The education seems lost that tends to make those who learned lost not for those who has not perception where they must go. We are exterminating the fact of every aspect that these nation is not a nation to be united by one thought but to unite the entire nation even at such circumstances that every individual are free of the crowds and has firmly isolated by their own thoughts.
These education is not the education we must have, we need more than years, we need more humanity in every moment we have. And to love others we must love ourselves and every fraction of what makes us as us. We have to be ourselves first before being others or we'll be in prison without knowing that we're choking because we are constricted by these chains.
Being Filipino is not just being Filipino as of being a Human., we need to have a proof and a firm identification that we are worth to be called as that and to figure such is to plunge ourselves into the point that we have to know ourselves.
11:44 PM | 0 comments

Limang Segundong Forever

Written By Juan Dimasalang on Saturday, January 3, 2015 | 2:13 AM




ANG LIMANG SEGUNDONG FOREVER

"Hindi sa haba yan sa laki masusukat kung gaano kasarap at totoo ang pagmamahal" Karamihan sa panahon natin binabase ang tunay na pagmamahal sa tagal ng pagsasama, pero kung sa panahon din naman ang sukatan ng tunay pagmamahal diyan kayo mabibilib sa katropa ko na itago natin sa pangalang V. Si V na mahilig magtago sa dilim, ayaw sa liwanag at ang tanging liwanag na gusto niyang makita ay ang liwanag mula sa monitor ng kompyuter, tech-geek kung baga. Siya si V na nakamaskara nakikita mong nakangiti pero sa kalooblooban niya wala kang maaaninag na kasiyahan. Isa siyang taong nabiktima ng lecheng forever ni Marcelo, kasi sa loob ng tatlong taon sa Sintang Paaralan iisang babae lang ang kanyang nagustuhan. Biruin mo, sa dinami dami ng isda nakabingwit siya ng Century Tuna Flakes n oil--"It's good for the heart" ika nga. Marami ngang babaeng magaganda sa loob ng Sintang Paaralan "Look to your left, look to your right and shake it all around and all you can say is Wow Philippines--the feeling is like It's More Fun in the Philippines". Kaya nga may PUP Thomism para makuhanan sila at Mang Tomas Code para masabing "Maganda sila" at "Worth it mahalin" Pero si V iba, loyal na loyal siya kay babae hindi at NEVER naging sila. Mas talo pa niya ang dalawang tao na masasabing may 'Sila' kasi kahit hindi naging sila nairaos niya ang pagmamahal niya kay babae w/in 3years. Itago natin si babae sa pangalang Angeliqe, kasi maganda siya at isa siyang Anghel na galing sa langit at napunta sa lupa. Para bang si Angelique ay isang 50gb Flash Drive na na-eject sa langit at nakita ni V at siempre lahat naman siguro matutuwa pag nakakita ng 50gb Flash Drive kahit hindi alam kung anong mayroon sa loob. Na-meet ni V si Angelique sa isang student org--Freshmen si V sa kae-evolve na course ni Poseidon at si Angelique naman ay sophomore sa pagbebenta ng cupcakes(ewan ko lang) 7 years ang tanda niya kay V(cat age). Itago na lang natin ang org na ito sa pangalang-Kubeta. Actually kasama ko siya na pumasok sa kubeta pero ako lang ang lumabas at naiwan siya sa loob. Nagustuhan niya ata dun kasi nakakita siya ng Anghel at siguro kala niya ang Kubeta ay isang langit. To make it short nagustuhan niya si Angelique pero that doesn't mean na gusto rin ni Angelique si V, ano sa tingin niyo forever ni Marcelo? "In your little monkey dreams" Simula noong sophomore nage-efort si V every ocassion para mapansin siya ni Angelique, may regalo siya sa Valentine's day, Sa birthday ni Angelique at sa araw na malakas ang sapi ni Pablo Picasso sa kanya. Yung regalo niya parang Oblation sa UP mapapa-wow ka sa laki ng ginagawa niyang sining, as in wow grabe "Hanep anak ah", effortful kung baga. Dahan-dahang ipinasok ni V sa buhay niya si Angelique, ni hindi man lang niya i-scan kung may virus si Angelique basta ang alam niya "It doesnt matter as long as it is a 50gb flash drive" Pero ngayong taon, sa loob ng 3 taon na naging parte ng buhay ni V si Angelique, dun niya nalaman na ang 50gb flash drive na ito ay may virus. Naghanda si V ng regalo para kay Angelique sa birthday niya, isang napakagandang gumagalwa na "Mother and child" ang surprise ni V. Naurong pa nga ang pagbigay niya dahil sa lecheng bagyo na iyan at dahil na din sa napakaspecial nung regalo kaya natagalan. Wala siyang matinong plano kaya heto kami, tinawag ang buong Barangay Laurel para backupan siya, isinama ko na din si Mang Tomas at Jason Bourne. Nagplano kami at hindi to maganda, napakaganda nito. Naka-standby na yung buong team ng PUP Thomism para sa lights&camera, andiyan na si Mang Tomas para makiusyoso, maayos na ang daan papuntang Jollibee, nakaset na ang oras ng 'Surprise', naka-standby na din ang mga mob dancers sa kanto, naghihintay na ang banda sa food court para tumogtog, parating na din ang lechon na galing sa La Loma, may banderitas na din at handa na ang lamesa at upuan para sa bisita, ayos na ang catering services, ayos na din yung Sound System at yung performers tulad ng Silent Sanctuary, Kamikaze at Tanya Markova. Pero sabi ko nga plano lang ang lahat, basta ibinigay na lang ni V yung "Mother and child" Epic fail yung plano ni V, tinangihan ni Angelique yung regalo. Hindi man daw pinansin, 4r4y q0h bh3. Yung kala mo Forever yun pala limang segundo lang. Hindi dahil nakalagay sa casing ng flash drive ay 50gb ay 50gb ba yun at hindi dahil sabi nung tindero ng chicharon na may "laman" ang tinitinda niyang chicharon eh may laman talaga yung chicharon. Saka lang nalaman ni V na may virus pala yung flash drive na iyon nung nagka-leche-leche na ang system niya, hindi lang pala virus, sa tagal na naka-connect eh nagkaroon nsa ng worm. Takte kahit yung mga kaklase niyang bukambibig ang "Understanding" di siya maintindihan. Walang tumulong na ayusin ang system niya, ayaw niya kasing magpaayos. Ngayon okay naman siya, parang si crush mukhang napaka-okay pero sabi ko yung mga taong ganito parang si V, nakangiti sa labas pero nakasimangot sa loob.
2:13 AM | 0 comments

Ang Ampalaya

Written By Juan Dimasalang on Friday, August 15, 2014 | 8:39 PM

Karaniwang sinasabi ng mga bitter sa lovelife; "Mahihiwalay din kayo"



ANG MGA DAKILANG AMPALAYA

Pag ang babae mayaman
huwag mong iwanan
hindi dahil may panlibre
Dahil minahal mo siya, pare

Pero pag ika'y iniwan
Huwag mong iyakan
sama-sama nating tawanan
ang nangyaring kasawian

Maraming single dyan
Masaya at malaya
Pero karamihan sa kanila
ay nagpapaka-AMPALAYA

Napaka-bitter nila
Kaya sila AMPALAYA
"Putang-ina niya"
'Yan ang bukambibig nila

Maghihiwalay naman
hihintayin nalang
at saka siya aalagaan
para kanyang malaman
na siya ay nawalan
ng tunay na nagmamahal
sa puso niyang sugatan

Dahil kami AMPALAYA
malungkot pag wala siya
at ibang tao ang nagpapasaya
iba ang nagpapangiti sa kanya

Pero pag kami, malupit
parang isang inipit
masarap kahit naipit
nagmamahal kahit masakit
sa taong walang malasakit.


From: PUP Ampalaya Dead Poet
8:39 PM | 0 comments

Mga Pamahiin ng Pinoy sa New Year

Written By Juan Dimasalang on Monday, December 30, 2013 | 10:54 PM

New year celebration in my hometown- Balungao, Pangasinan
Matagal nang naniniwala ang mga Pilipino sa pamahiin, Mas lalo na ang mga matatanda na halos i-checklist na nila ang dapat nilang gawin tuwing sasapit ang bagong taon at sa araw ng bagong taon. Mrami akong naririnig mula sa matatanda sa kanto at sa bahy namin tungkol dito. Aaminin ko na bago pa man ako mabighani sa mga slita ni John Stuart Mill, Sigmund Freud at Albert Einstein (Isali ko kaya ung salita ni Totoy Brown) naniniw ako sa mga pamahiin dahil sa nakakatakot at dahil na rin ito'y pinaniniwalaan ng nakakatanda sa akin.
Kinalimutan ko na ito ng nadiskubre kong parang joke lang ni Juan ang mga ito. Ngayon may-iian akong naalala na ginagawa ko tuwing bgong taon. At ayun gumawa ako ng isang listahan a aking pagkakaintindi sa mga ito.

Mga pamahiin sa bagong taon:
1. Maghanda ng tig-iisang dosenang bilog na prutas sa lamesa
'swerte pasok pera' yan nga ang sabi ng mga insik, nakuha ito ng Pinoy sa mga Tsino. Sabi daw nila na ang biog na prutas ay nagsisimbulo ng pera, maraming pera. At ang isang dosenang bilang nito ay nagsisimbulo sa dalawampungdalwa na buwan ng taon. Ang ibig sabihin, maraming pera sa buong taon, swerte :D
2. Magsuot ng polka-dots sa bisperas at araw ng pasko
tungkol nanaman ito sa pera at malamang alam na alam ito ng karamihan sa atin. Mabenta ang polka-dot na daster sa Divioria at sa Baclaran.
3. Huwag mag-hain ng manok 
Sabi ng tatay ko sumisimbulo ito ng 'isang kahig, isang tuka' sa buhay next year. Basta masarap ang fried chicken.
4. Magsabog ng barya sa loob ng bahay sa bisperas ng pasko.
Alam na na this!
5. Alugin ang bulsa na puno ng barya pagdating ng bagong taon.
6. Huwag itaob ang isda (kung mayroong handang isda) pagnakain na ung (lenght wise) kalahati, malas yun.
Para daw hindi tayo tataob (lulugmok sa kahirapan, either may mamamatay or may mangyayari sa inyo na masama).
7. Gumising ng maaga sa uno at tumalon para tumangkad.
Naalala ko tuloy ung friends ko sa facebook na umaasa sa pamahiin na ito, paano ba naman legal age na siya at kasing laki pa rin siya ng first year high school. Ung iba, tumatalon sa bisperas ng bagong taon, sa panahon ng putukan, kalampagan, putulan ng kamay at daliri at barilan sa labas.
8. Magpaputok para umalis ang bad spirit (pero ung iba nagpapaputok para may maalis sa kanila)

Naalala ko tuloy yug sabi ni Brad Pitt sa Ang Dating Doon. Ung nagpapaputok sa labas para umalis ang bad spirit, asaan ba sila pupunta edi sa tahimik--sa loob ng bahay. Kaya daw ang dapat gawin sa loob ng bahay magpaputok para umalis ang bad spirit.
Ung mga napuputulan ng kamay dahil sa nagpapaputok, normal lang yang at katangahan na din.
9. Bumili ng pampaswerte para hindi malasin.
Alam na siguro ninyo ito lahat, palaging tinatanung iyan at ibinabalit sa TV.

At higit sa lahat-
10. Bawal salubungin ang bagong taon ng tulog

Mamalasin ka buong taon o kaya'y magkakasakit ka.

Hindi masamang maniwala sa mga ganitong bagay pero huwag iasa sa mga pamahiin kung anong mangyayari sayo sa susunod na taon. Maligayang Bagong Taon!
10:54 PM | 0 comments

Ayon kay Juan at Pedro- Ang dakilang tauhan ng kalokohan

Written By Juan Dimasalang on Thursday, December 19, 2013 | 6:29 AM

Kwentuhang Pilipino pati sa jeep kwento lang ng kwento
Sa lahat ng makalumang joke ng Pinoy--kung maaalala pa ng mga taong nakakaalala ng panahong ito (magaling hindi ka pa nakakalimot)--ay sadyang gas-gas na ang pangalang Pedro at Juan bilang tauhan ng mga scenariong mapagtatawanan ng mga Pilipino. Noong kapanahunan pa ng tambalang John Loyd Cruz at Bea Alonzon, naririnig ko ito sa mga lasengong tumatagay sa kainitan ng araw kasabay ang pusang pinulot sa kanto na ginawang pulutan at ang gin na inutang kay Aling Nena. Nakakatawa siya at minsan naisi-share din siya sa mga ka-tropang hindi pa narinig ang kwento tungkol sa bagong istorya ni Juan at Pedro. Kulang na lang ay gawing teleserye and adventures ng dalawang Santong ito na kinikiliti ang malalaking tiyan ng mga lespu sa Police Station. Matagal-tagal na rin na hindi ko narinig ang sumunod na sequel ni Juan at ni Pedro dahil nga sa lumawak ang kaisipan ng mga Pilipino at nag-level up na ang katatawanan. Mula sa santo, patungong sa 'Knock-kncok' mga kasabihang 'wa-connect', 'mga memes' ni Boy Dimples, Totoy Brown ni Totoy Gold na rin, 'Pogi Problems' ni sir RB (FYI: Ramon Bautista, the self proclaimed, BOY NEXT DOOR),'pick-up lines' at ang 'pagbabara' ni Vice ganda na sadyang nakakatuwa sa mga taong open minded.
Ng nawala na sina Pedro at Juan, dumating ang 'knock-knock' na kung saan ilalapat mo ang isang salita na katono ng isang parte ng kanta. At ngayon, buhay pa rin ang sequel nitong walang katapusang scenario sa pintuan, na sa pagkatapos ng kanta eh hindi naman pinapapasok yung ng 'knock-kncok' ng pintuan.
Napunta naman ang mga taong walang pag-asa sa humor sa mga wa-connect na joke na ang hirap abutin dahil sa napakalayo ang distansya sa ating pagkakaintindi. Ito yung mga joke na nakakatawa dahil sa ka-cornihan at hindi mo alam kung bakit ka tumawa, dahil ba sa joke o sa kabobohan ng gumawa nito?
At dahil lumalaki na ang pag-gamit ng pinoy sa mga Social Media (Sobrang exaggerated na halos gusto palaging online para lang makita kung may naglike sa selfie photo) nauso ang memes, isang inedit na picture at pinaglalagyan ng mga akmang salita na may connect sa picture. Ngunit ang ganitong paraan ng pagpapatawa ay single sided lang (naalala ko tuloy si Boy Dimples, yung lalaki na iyon eh may kapansanan pala tapos hindi pa niya alam na yung mga picture niya sa FB eh dumami ng times two times two).
At sa mga nagkakaroon ng problema dahil sa kawalan ng confidence sa pagmumukhang nadisgrasya, dumating na si sir Ramon Bautista na makikilala natin sa katanungang "Bakit hindi ka kras ng Kras mo?". Try mong magtanong sa kanya sa formspring kahit minsan kung gusto mong magbigti dahil ayaw sa iyo ng babaeng iniirog mo. Nakakatawa, mahangin at may sense ang sinasabi.
Sa mga corny, hindi pa rin kumukupas ang pick-up lines na pinauso ni "Boy Pick-Up" (Hindi yung wa-connect na pick-up lines) na hanggang ngayon ginagamit pa ng mga lalaking dumadamobs sa mga babae.
At sa mga high level na katatawanan na hindi applicable sa lahat, ang mga moves ni vice ganda na hindi katuwa-tuwa sa ibang paningin. Ito yung mga joke na may-sense pero sa sobrang taas ng sense eh hindi na kayang intindihin. Tulad halimbawa ng mga pambabarang nakakatawa pero nakakainis,
At dahil sa mga ito nalaos ang mahabang adbintyurs nina Pedro at Juan. Nagpapatunay lang na ang katatawanan ay hindi natin maiwawaksi sa kulturang Pilipino na kahit sa sobrang hirap na ng panahon eh, tawa pa rin ng tawa si Juan kahit nagmumukha na siyang tanga sa tingin ng iba.
6:29 AM | 0 comments

Jeepney Culture

Written By Juan Dimasalang on Thursday, December 12, 2013 | 8:59 PM

Mga bagay na kapansin-pansin ngunit hindi napapansin ng ibang Pilipino sa pagsakay nila sa pambansang sasakyan ng bansa, ang Jeep (Dyip). Hindi ka tunay na pinoy kung hindi mo nasubukang sumakay sa Jeep, o kung isa ka ngang Pinoy at hindi ka man lang nakaramdam na sumakay sa mala-sardinas na sasakyan na ito ay masasabing isa kang "banyaga sa sariling bayan" (alien na lang kasi kahit mga Kano, Briton, o Aleman eh sumasakay pag naka-tungo na sila dito sa Pinas)
Sa subrang tagal ko na nabubuhay sa Pinas eh, nabobobo na ako sa kapapansin nito sa ating pangmasang sasakyan.
1. una sa lahat ay ang OBLIGASYON natin sa dyip, ang pagpasa ng pamasahe (kung malapit ka sa istribo o dili kaya eh malayo-layo kaunti sa mamang tsuper). Mga kapwa ko Pinoy, hindi po obligasyon ng mga taong malapit kay Tsuper ang pagbigay ng inyong pamasahe. Bayad ninyo iyon at ineestorbo mo ang kapwa mo mananakay malay mo, nag-eemo sa byahe o ine-enjoy ang tanawin sa gilid ng kalsada. Mahiya naman kayo kahit minsan, MAGPA-SALAMAT naman kayo sabay ngiti.
Mali: "Bayad" kuha ng pamasahe tapos bigay kay driver 'snob'
Tama: "Makikiabot nga ng bayad" kuha ng pamasahe "Salamat" 'ngiti'
Nabwibwisit ako sa mga taong parang hindi edukado na sa tingin nila na obligasyon ng katabi niya na i-abot kay driver ang pamasahe.
2. Mga taong nag-aamoy buro na at nanglilimahid na sa amoy, ano ito private car na ikaw lang ang sasakay. May mga tao diyan na todo ang linis ng kanilang katawan para sa interbyu niya tapos ung katabi lang pala ang magsisira ng pinaghirapan niyang paghahanda. Kung may "this seat is reserved for mababaho ang amoy" pwede pa, eh wala naman ganun eh. Kahit papaano naman, maligo kayo, para respeto sa ibang mananakay.
3. Feel at home mga taong naka-sando (tapos hawak pa sa hawakan, nakalantad ang kili-kili, biruin niyo nakakabweset lalo na kung may amoy), naka short (na halos makita na ung singit-singit na may libag) mahiya naman kayo sa mga taong sasakay, baka mapakunot ang noo nila sa napakasagwang imahe sa loob. Hoy, pampublikong sasakyan ito, hindi po ninyo ito bahay na isusuot ang gustong isuot. Magdamit naman kayo ng mga damit na wasto (Hindi naman ung napaka pormal).
4. sa mga babaeng sobra ang paniniwala sa Rejoice, yung mga buhok na nagsisiliparan sa mukha ng katabi na halos kainin na niya na parang spaghetti ang kanyang mahahabang buhok. Ang sakit kaya sa mukha, mas lalo na kung ang tulin ng patakbo ni driver, para kang sinasapak ng tambo sa mukha.
5. Sardinas, yung mga Barker na nagtatawag ng pasahero yung halos puno na kayo at wala ng espasyo sa gilid-gilid tapos nagtatawag pa ng pasahero. Ano ito, pare-pareho tayo ng pwet,minsan sabihin ninyo "kuya, saan ninyo ipapaupo yung ibang pasahero sa taas o sa guong".
May mga bagay na hindi ko na sinali dito sa maliit na listahan na ito, kasi kung iisa-isahin ko pa eh baka magsawa na kayo sa kasasakay ng dyip. Iiilan lang ito sa mga bagay na aking napansin sa aking pagsakay ng dyib.
8:59 PM | 1 comments
Books & Literature - Top Blogs Philippines

Welcome Guys

ENJOY your few millisecond stay on this site.
Any Suggestion? Questions? Violent Reactions? Donations?

we want to hear your FEEDBACK about this site.

Categories

e-book (3) Essay (9) For Pinoy (6) Information (5) Life (22) Logic (3) Love (14) Moral (8) Nationalism (1) photo (7) Poem (7) Short story (4) Society (23)
QR Code generator

Facebook

Twitter

Ask.fm

Feedback

Name

Email *

Message *

Blogger templates