Hi quest ,  welcome  |  sign in  |  registered now  |  need help ?

About

This is the official and the final personal blog site of Jay San Juan. Take it or leave it, post it or tag it, selfie or group pic, murder or suicide. Anything you wanted to know, if you wanted to know is here. To cut the shit, this site provides some bits of logical life teachings that sometimes ignores by our own senses, this is a compilation of Jay San Juan self taught teachings. Contact us for any suggestion of topics if there is any problem concerning about your reading experience here on this plain white site.
Let me write the words I tell, for I to show it and sell. I don't want to make it fell on the ground as well. So I put it in papers for real, to inspire and to feel other people who lives around the wheel. For I exist not for myself but for the people who needs in help but I'm just a man in kelp so I put it in the words instead

Mga Pamahiin ng Pinoy sa New Year

Written By Juan Dimasalang on Monday, December 30, 2013 | 10:54 PM

New year celebration in my hometown- Balungao, Pangasinan
Matagal nang naniniwala ang mga Pilipino sa pamahiin, Mas lalo na ang mga matatanda na halos i-checklist na nila ang dapat nilang gawin tuwing sasapit ang bagong taon at sa araw ng bagong taon. Mrami akong naririnig mula sa matatanda sa kanto at sa bahy namin tungkol dito. Aaminin ko na bago pa man ako mabighani sa mga slita ni John Stuart Mill, Sigmund Freud at Albert Einstein (Isali ko kaya ung salita ni Totoy Brown) naniniw ako sa mga pamahiin dahil sa nakakatakot at dahil na rin ito'y pinaniniwalaan ng nakakatanda sa akin.
Kinalimutan ko na ito ng nadiskubre kong parang joke lang ni Juan ang mga ito. Ngayon may-iian akong naalala na ginagawa ko tuwing bgong taon. At ayun gumawa ako ng isang listahan a aking pagkakaintindi sa mga ito.

Mga pamahiin sa bagong taon:
1. Maghanda ng tig-iisang dosenang bilog na prutas sa lamesa
'swerte pasok pera' yan nga ang sabi ng mga insik, nakuha ito ng Pinoy sa mga Tsino. Sabi daw nila na ang biog na prutas ay nagsisimbulo ng pera, maraming pera. At ang isang dosenang bilang nito ay nagsisimbulo sa dalawampungdalwa na buwan ng taon. Ang ibig sabihin, maraming pera sa buong taon, swerte :D
2. Magsuot ng polka-dots sa bisperas at araw ng pasko
tungkol nanaman ito sa pera at malamang alam na alam ito ng karamihan sa atin. Mabenta ang polka-dot na daster sa Divioria at sa Baclaran.
3. Huwag mag-hain ng manok 
Sabi ng tatay ko sumisimbulo ito ng 'isang kahig, isang tuka' sa buhay next year. Basta masarap ang fried chicken.
4. Magsabog ng barya sa loob ng bahay sa bisperas ng pasko.
Alam na na this!
5. Alugin ang bulsa na puno ng barya pagdating ng bagong taon.
6. Huwag itaob ang isda (kung mayroong handang isda) pagnakain na ung (lenght wise) kalahati, malas yun.
Para daw hindi tayo tataob (lulugmok sa kahirapan, either may mamamatay or may mangyayari sa inyo na masama).
7. Gumising ng maaga sa uno at tumalon para tumangkad.
Naalala ko tuloy ung friends ko sa facebook na umaasa sa pamahiin na ito, paano ba naman legal age na siya at kasing laki pa rin siya ng first year high school. Ung iba, tumatalon sa bisperas ng bagong taon, sa panahon ng putukan, kalampagan, putulan ng kamay at daliri at barilan sa labas.
8. Magpaputok para umalis ang bad spirit (pero ung iba nagpapaputok para may maalis sa kanila)

Naalala ko tuloy yug sabi ni Brad Pitt sa Ang Dating Doon. Ung nagpapaputok sa labas para umalis ang bad spirit, asaan ba sila pupunta edi sa tahimik--sa loob ng bahay. Kaya daw ang dapat gawin sa loob ng bahay magpaputok para umalis ang bad spirit.
Ung mga napuputulan ng kamay dahil sa nagpapaputok, normal lang yang at katangahan na din.
9. Bumili ng pampaswerte para hindi malasin.
Alam na siguro ninyo ito lahat, palaging tinatanung iyan at ibinabalit sa TV.

At higit sa lahat-
10. Bawal salubungin ang bagong taon ng tulog

Mamalasin ka buong taon o kaya'y magkakasakit ka.

Hindi masamang maniwala sa mga ganitong bagay pero huwag iasa sa mga pamahiin kung anong mangyayari sayo sa susunod na taon. Maligayang Bagong Taon!

0 comments:

Post a Comment