Kwentuhang Pilipino pati sa jeep kwento lang ng kwento |
Ng nawala na sina Pedro at Juan, dumating ang 'knock-knock' na kung saan ilalapat mo ang isang salita na katono ng isang parte ng kanta. At ngayon, buhay pa rin ang sequel nitong walang katapusang scenario sa pintuan, na sa pagkatapos ng kanta eh hindi naman pinapapasok yung ng 'knock-kncok' ng pintuan.
Napunta naman ang mga taong walang pag-asa sa humor sa mga wa-connect na joke na ang hirap abutin dahil sa napakalayo ang distansya sa ating pagkakaintindi. Ito yung mga joke na nakakatawa dahil sa ka-cornihan at hindi mo alam kung bakit ka tumawa, dahil ba sa joke o sa kabobohan ng gumawa nito?
At dahil lumalaki na ang pag-gamit ng pinoy sa mga Social Media (Sobrang exaggerated na halos gusto palaging online para lang makita kung may naglike sa selfie photo) nauso ang memes, isang inedit na picture at pinaglalagyan ng mga akmang salita na may connect sa picture. Ngunit ang ganitong paraan ng pagpapatawa ay single sided lang (naalala ko tuloy si Boy Dimples, yung lalaki na iyon eh may kapansanan pala tapos hindi pa niya alam na yung mga picture niya sa FB eh dumami ng times two times two).
At sa mga nagkakaroon ng problema dahil sa kawalan ng confidence sa pagmumukhang nadisgrasya, dumating na si sir Ramon Bautista na makikilala natin sa katanungang "Bakit hindi ka kras ng Kras mo?". Try mong magtanong sa kanya sa formspring kahit minsan kung gusto mong magbigti dahil ayaw sa iyo ng babaeng iniirog mo. Nakakatawa, mahangin at may sense ang sinasabi.
Sa mga corny, hindi pa rin kumukupas ang pick-up lines na pinauso ni "Boy Pick-Up" (Hindi yung wa-connect na pick-up lines) na hanggang ngayon ginagamit pa ng mga lalaking dumadamobs sa mga babae.
At sa mga high level na katatawanan na hindi applicable sa lahat, ang mga moves ni vice ganda na hindi katuwa-tuwa sa ibang paningin. Ito yung mga joke na may-sense pero sa sobrang taas ng sense eh hindi na kayang intindihin. Tulad halimbawa ng mga pambabarang nakakatawa pero nakakainis,
At dahil sa mga ito nalaos ang mahabang adbintyurs nina Pedro at Juan. Nagpapatunay lang na ang katatawanan ay hindi natin maiwawaksi sa kulturang Pilipino na kahit sa sobrang hirap na ng panahon eh, tawa pa rin ng tawa si Juan kahit nagmumukha na siyang tanga sa tingin ng iba.
0 comments:
Post a Comment