Mga bagay na kapansin-pansin ngunit hindi napapansin ng ibang Pilipino sa pagsakay nila sa pambansang sasakyan ng bansa, ang Jeep (Dyip). Hindi ka tunay na pinoy kung hindi mo nasubukang sumakay sa Jeep, o kung isa ka ngang Pinoy at hindi ka man lang nakaramdam na sumakay sa mala-sardinas na sasakyan na ito ay masasabing isa kang "banyaga sa sariling bayan" (alien na lang kasi kahit mga Kano, Briton, o Aleman eh sumasakay pag naka-tungo na sila dito sa Pinas)
Sa subrang tagal ko na nabubuhay sa Pinas eh, nabobobo na ako sa kapapansin nito sa ating pangmasang sasakyan.
1. una sa lahat ay ang OBLIGASYON natin sa dyip, ang pagpasa ng pamasahe (kung malapit ka sa istribo o dili kaya eh malayo-layo kaunti sa mamang tsuper). Mga kapwa ko Pinoy, hindi po obligasyon ng mga taong malapit kay Tsuper ang pagbigay ng inyong pamasahe. Bayad ninyo iyon at ineestorbo mo ang kapwa mo mananakay malay mo, nag-eemo sa byahe o ine-enjoy ang tanawin sa gilid ng kalsada. Mahiya naman kayo kahit minsan, MAGPA-SALAMAT naman kayo sabay ngiti.
Mali: "Bayad" kuha ng pamasahe tapos bigay kay driver 'snob'
Tama: "Makikiabot nga ng bayad" kuha ng pamasahe "Salamat" 'ngiti'
Nabwibwisit ako sa mga taong parang hindi edukado na sa tingin nila na obligasyon ng katabi niya na i-abot kay driver ang pamasahe.
2. Mga taong nag-aamoy buro na at nanglilimahid na sa amoy, ano ito private car na ikaw lang ang sasakay. May mga tao diyan na todo ang linis ng kanilang katawan para sa interbyu niya tapos ung katabi lang pala ang magsisira ng pinaghirapan niyang paghahanda. Kung may "this seat is reserved for mababaho ang amoy" pwede pa, eh wala naman ganun eh. Kahit papaano naman, maligo kayo, para respeto sa ibang mananakay.
3. Feel at home mga taong naka-sando (tapos hawak pa sa hawakan, nakalantad ang kili-kili, biruin niyo nakakabweset lalo na kung may amoy), naka short (na halos makita na ung singit-singit na may libag) mahiya naman kayo sa mga taong sasakay, baka mapakunot ang noo nila sa napakasagwang imahe sa loob. Hoy, pampublikong sasakyan ito, hindi po ninyo ito bahay na isusuot ang gustong isuot. Magdamit naman kayo ng mga damit na wasto (Hindi naman ung napaka pormal).
4. sa mga babaeng sobra ang paniniwala sa Rejoice, yung mga buhok na nagsisiliparan sa mukha ng katabi na halos kainin na niya na parang spaghetti ang kanyang mahahabang buhok. Ang sakit kaya sa mukha, mas lalo na kung ang tulin ng patakbo ni driver, para kang sinasapak ng tambo sa mukha.
5. Sardinas, yung mga Barker na nagtatawag ng pasahero yung halos puno na kayo at wala ng espasyo sa gilid-gilid tapos nagtatawag pa ng pasahero. Ano ito, pare-pareho tayo ng pwet,minsan sabihin ninyo "kuya, saan ninyo ipapaupo yung ibang pasahero sa taas o sa guong".
May mga bagay na hindi ko na sinali dito sa maliit na listahan na ito, kasi kung iisa-isahin ko pa eh baka magsawa na kayo sa kasasakay ng dyip. Iiilan lang ito sa mga bagay na aking napansin sa aking pagsakay ng dyib.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
I have the same article about Filipino Culture when commuting..
Merong iba they snob you when you let them pass your money. Haysus para akong hangin na di nag eexist. I seldom see naman mababahong pasahero, I wonder how you noticed it. For me lang ha, we cannot change about how other people wear
Post a Comment